Panimula
Salaam.
Kami po ay mga karaniwang Pilipino. Opo, kabataan kami, subalit mulat kami sa hidwaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristyano sa Pilipinas. Alam namin may kasalungatan ng gumaganap sa Mindanao. Kaya ang isa sa amin, si Yasu, at nagmungkahi ng hatid na ito.
Simple ang panuto: mamumuhay kami bilang mga Muslim. Hindi kami tunay na Muslim, ’pagkat Katoliko pa rin kami, subalit susubukan naming intindihin ang pananaw at pananampalataya ng mga Muslim ng Pilipinas sa pamamagitan ng hatid na ito. Tatagal ang aming pagiging ”Muslim” ng isang buwan (30 araw).
Ayaw po namin na may mainsulto sa komyunidad ng mga Muslim. (Ayon sa kanila, lahat ng tao’y likas na Muslim, subalit hindi tumatangkilik sa Islam sa pang-araw-araw nilang buhay. Yata.
) Kayo pong mga tunay na Muslim, sana intindihin niyo na ginagawa namin ito ’di bilang panukso ang kalokohan lang namin, kundi paraan namin na kayo ang maintindihan ng mga ”karaniwang” Pilipinong Katoliko.
Ang tagtang ito’y gagamitin namin para sa pagdo-dokyumento ng karanasang ito. Hangarin namin ng maka 555 hits pagkatapos ng buwan ng pagsasagawa.
Sana sundan niyo kami sa paglalakbay na ito; sana ’di lang kami, kundi kayo rin po, may bago kayong matutunan at matuklusan ’di lang tungkol sa Muslim, kundi tungkol sa’ting mga Pilipino, sa likas na ugali ng tao.
Allahu Akbar. Ang Diyos ang Pinakadakila.
abetumil said,
February 13, 2010 at 1:33 pm
saludo ako sa pagsisikap ninyong, “intindihin ang pananaw at pananampalataya ng mga Muslim ng Pilipinas”.
pinapalagay kong nasa 20-30 taong gulang kayo dahil banggit ninyo mga kabataan kayo. karaniwang nari-realize ng tao ang ispiritwalidad sa iadd na 40. kaya yata may kasabihang “life begins at forty.”
pero may pakiramdam ako na hindi lamang ispiritwalidad, islam, ang minasdan ninyo. mula nang makipamuhay kayo bilang mga Islam, di ako sigurado kung tama ang termino. tapos na siguro ang 1 buwan na palugit ninyo.
bilang obserbasyon, ayon sa mga antopolohikal na pag-aaral, may tao na sa arkipelago, mga 23,000 libong taon ang nakalilipas. At ayon sa hirtoyador na si Teodoro, Agoncillo, mga ika11-12 siglo yata nakarating ang muslim sa arkipelago. ang sitwasyon na ‘to ay hidwa agad sa,
“(Ayon sa kanila, lahat ng tao’y likas na Muslim…)”
At ang Islam ay mga 1,500 AD lang yata nagsimula bilang relihiyon.
Ang tanong, 1) totoo nga bang muslim na ang mga tao sa arkipelago bago ang ika-11-12 siglo? 2) Bakit po ang mga lumad ay hind muslim ang pananampalataya?
Kapitblog po ninyo ako dito sa WordPress, sa Alayon sa Banger.
Salamat po.
tabsir said,
February 14, 2010 at 2:14 pm
Mga estudyante po kami, 17-18 na taong gulang. Nagpapasalamat po kami na nag-comment po kayo rito.
“bilang mga muslim” ang ibig niyo pong sabihin
Nais ko pong gawing mas malinaw ang pananaw na “lahat ng tao’y likas na Muslim”. Hindi ito ukol sa kung ano ang nakasulat sa ilalim ng pangalan mo, doon sa patlang nakalaan para sa relihiyon. Ang tunay na kahulugan po niyan ay likas sa tao na isuko ang lahat ng bagay at maniwala sa iisang May-kapal. Baka kulang po ang sinaliksik namin, pero wala po yatang pagbibinyag sa pananampalatayang Islam ‘pagkat “likas” nga ito sa tao. Ako po, kahit na Katoliko, ang inaasam ko po sa buhay ay ang makamit ang pagiging “muslim” – kung ang ibig sabihin lang niyan ay isinuko ko na ang lahat sa Kanya.
Kaya po, kung ang tanong niyo ay kung bakit ang mga lumad ay hindi naniniwalang muslim sila, ito’y ‘pagkat ang pagkaintindi nila sa pagiging muslim ay ang pangkaraniwang kahulugan ng “isang sumusunod sa Islam.”
Ayon po sa pag-aaral namin ng kasaysayan, hindi lahat ng tao sa kapuluang ito ay muslim noong ika-11-12 na siglo. Subalit, ito po ang panahon kung kailan nagsimulang pumasok ang impluwensya ng mga lipunang Arabo.
-Yasu Al-Amir Malik
abetumil said,
February 14, 2010 at 9:21 pm
tabsir, Yasu Al-Amir Malik,
salamat sa tugon.
tugma kung ganun ang info natin ayon kay teodoro agoncillo. di hamak na 4-3 siglong nauna ang islam sa arkipelago, May-i ayon sa mga Tsino.
mas interesante sa ‘kin ngayon kung pa’no ninyo tinitingnan ang ispiritwalidad ng mga tao – austronesian, sa arkipelago bago ang ika-11-12 siglo. given siguro ang Hindu. dahil na rin kasi sa maraming Sanskrit na salita sa ating wika.
ano man ang maging saliksik ninyo sa puntong ‘yan, ang dagdag na tanong ko pa po ay, pareho ba ang ispiritwalidad at relihiyon?
salamat po ulit.