14/30
Salam.
Mga Muslim! Dalawang linggo na tayong “muslim”!
UPDATE (pakisalin nga ang update):
Jahangir: Ikaw ang itinakda na magsulat ng liham kay Fr. RB. Kailangan nating malaman kung sino nga ‘yung heswitang nag-aral ng Islamic Studies. Kailangan mo ring magsulat ng tagta.
Zaahir: Magsulat ka na ng tagta. Pakisoli na ‘yung Basics of Islam.
Shaq: Alam kong nasalin mo na ang karamihan ng mga salitang binigay ko sa iyo. Ipadala mo na kay Bugsy para malathala na. Basahin mo na ‘yung Under the Crescent Moon
Aqil: Alam kong nagsulat ka na ng tagta, pero pakihanda na ‘yung mas malalim na pagsuri tungkol sa kung ano’ng maaaring nagbago sa ugali natin.
Bugsy: Singil taym! Lahat ng may utang na tagta: ako, Qasim, Jahangir, Zaahir. Kuha ka na ng mga litrato.
Qasim: Tagta pare. Tsaka pakisoli ‘yung Assassins. Gusto ko nang basahin ‘yun.
Al-Tufayl: Pwede bang iwasan ang “magkasala”? Pakiusap lang naman.
Para sa lahat: Babalik tayo sa dati nating gawing magdasal nang magkasama. Hindi ko kayo tatawagin, kaya mag-isa kang dadasal kung ‘di ka umabot sa amin. Isaulo niyo na ‘yung arabong bersyon, ‘pagkat nasa kalagitnaan na tayo ng hatid. At… gamitin niyo na mga pangalan niyo.
kk?
Allahu Akbar